Karagdagang Pamilya: Mga Pilipinong Tagapag-alaga sa Toronto

[Extended Family: Filipino Caregivers in Toronto]

Isinulat ni Ysabel Espina

Sa tumatandang populasyon ng Canada at mataas na porsyento ng mga kabahayan na may parehong mga adulto ang nagtatrabaho, hindi nakakagulat na ang pangangailangan ng tagapag-alaga para sa mga bata at matatanda ay lubhang tumaas. Ang pangangailangan na maghanap ng mga tao upang tumulong sa pag-alaga ng mga matatanda at bata ay nadagdagan higit sa lokal na grupo ng manggagawa at sa mga banyagang bansa. Bawa’t taon, ang Canada ay nagdadala ng maraming indibidwal (karamihan ay babae) upang punan ang pangangailangan na ito sa pamamagitan ng Programang Naninirahan na Tagapag-alaga (Live-in Caregiver). Ito ay isang inisyatiba na dinisenyo upang tumugma ang tiyak na pangangailangan ng mga pamilya para sa mga tagapagbigay-alaga na may mga kasanayan sa iba pang mga bansa na maaaring naghahanap ng paaninirahan at trabaho sa Canada. Ang programang ito ay nagdala ng maraming mga kababaihang Pilipino sa Toronto upang tulungan ang mga lokal na pamilya. Karamihan sa mga kababaihan na ito, at ang kanilang mga pamilya, ay naging permanenteng miyembro ng lipunan ng lungsod.

Sa panahon ng 1980, maraming Pilipina ay dumating sa Canada upang magtrabaho bilang mga tagapag-alaga. Isang hindi matatag na panahong pampulitika sa Pilipinas ay nagpaakit ng emigrasyon sa panahon na iyon, at pati na rin ang katotohanan ng ekonomiya. May ilang mga kababaihan ang dumating sa Canada na mayroong mga digri sa kolehiyo o unibersidad, ngunit hindi makahanap ng trabaho sa kanilang larangan, na piniling maging isang tagapag-alaga sa ibang bansa. Ang matatag na kita sa Canada ay nag-alok ng isang mahalagang pamamaraan sa pagsuporta sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Ang katotohanan, ilan sa mga pamilya, ang pagtatrabaho sa ibang bansa bilang isang tagapag-alaga ay naitaguyod isang landas na karera, sa mga ina, mga tiya at mga kapatid na babae na lahat ay nagkaroon ng karanasan magtrabaho sa ibang bansa. Mahalaga para sa karamihan, ang maging isang tagapag-alaga ay nag-aalok ng isang pag-asa sa isang mas mahusay na buhay sa isang bagong bansa, na may pagkakataon ng maging mga mamamayan ng Canada at magpalipat ang mga pamilya sa Canada.

 Ilan sa mga bahagi ng Toronto, karaniwang  makikita ang mga Pilipinong tagapag-alaga sa mga anak ng mga lokal na pamilya, at ito ay importante na kilalanin ang kahalagahan ng trabahong ito at ang epekto nito sa lungsod. Ang mga tagapag-alaga ay may importanteng papel para sa mga lokal na pamilya. Ang katotohanan ng dalawang kita na mga pamilya at ang pagtatakda ng mga pangangailangan sa mga magulang na nagtatrabaho, ang mga tagapag-alaga ay tumutulong sa paglaki ng mga anak at pag-aalaga sa mga matatanda, ginagampanan ang mga tungkulin na noon inilalaan lamang sa mga miyembro ng pamilya. Ang mga tagapag-alaga, kabilang ang maraming Pilipinong kababaihan, ay hindi lamang pinuno ang mga pangangailangan ng manggagawa, ngunit nakatulong sa pagbuo at pananatili ng pangunahing yunit ng lipunan ng pamilya.

Ang mga tagapag-alaga ng mga bata, isang partikular, ay may pangunahing impluwensiya sa pagpapaunlad at panlipunan sa kanilang mga inaalagan – isang impluwensiya mananatili buong buhay. Tulad ng inaasahan ng isang tao, ang mga Pilipino na tagapag-alaga ay madalas may mga nakaugat na kaalaman ng kanilang kultura na nababahagi sa kanilang pagtatrabaho, sa pamamagitan ng pagkanta ng mga katutubong awit o sa pagluluto ng mga pagkaing Pilipino. Sa maraming pagkakataon, sila ay mga nangunguna sa mga kultura, nagdadala ng iba’t ibang pananaw ng kultura at mga pananaw sa mga tahanan na magkaiba ang kultura.

Ang pagpapanatili ng malapit na mga relasyon sa pamilya sa Pilipinas ay madalas isang kritikal na pagiging una sa buhay ng mga Pilipinong tagapag-alaga. Mga kahon na “Balikbayan” ay isang mahalagang bahagi sa mga relasyon na iyon. Ito ay mga koleksiyon ng mga pagkaing de lata, mga laruan, mga damit at mga sapatos para sa pamilya sa Pilipinas, at ito ay mga pahiwatig ng pangako ng tagapag-alaga para sa pagbubuti ng mga buhay ng mga iba.

Mga imigrante na tagapag-alaga, kabilang ang mga nasa Pilipinas, ay humaharap sa mga partikular na hamon na nagbibigay ng mas kumplikado sa pamamagitan ng mga kontrata ng pansamantalang trabaho. Masyadong madalas, ang linya sa pagitan ng trabaho na binabayaran at hindi binabayaran ay nagsisimulang mawalan dahil ang mga tagapag-alaga ay karaniwang nakatira sa kanilang mga pinaglilingkuran at punong-abala na pamilya. Ang pagsasamantalang kanilang gawain, kung sinadya o hindi, ay isang karaniwang isyu. Ang katugunan nito, gayunpaman, ay may kahirapan. Ang mga tagapag-alaga ay madalas natatakot lumikha ng anumang pagsasalungat na maaaring magresulta sa pagwawakas ng kanilang mga kontrata, at samakatuwid, ang katapusan ng kanilang kakayahan na mag-aplay para sa permanenteng paninirahan.

Ang mga Pilipinong tagapag-alaga, isang partikular, ay pinamamahalaan ng pabuti ng mga kalagayan sa trabaho para sa lahat ng mga tagapagbigay-alaga sa Canada. Hinamon nila isang kondisyon ng programa na ini-sponsor ng pamahalaan na kinakailangan ng mga tagapag-alaga ang ipasa ang ikalawang pag-eksamen na medikal upang maging permanenteng residente ng Canada. Isinulong rin nila ang paglilinaw tungkol sa mga oras ng pagtatrabaho at bayad, paggamit ng pag-alaga ng kalusugan at mas may katiwasayan ukol sa katayuan ng kanilang imigrasyon. Isang pangunahing halimbawa ng mga pagsisikap na ito ay ang gawain ng Coalition of Visible Minority sa 1980. Isa sa mga miyembro na nagtaguyod nito ay isang Pilipino-Torontonian na nangangalang Carmencita Hernandez at siyang gumanap ng isang kilalang papel sa pagpapatupad ng mga programa na pinapayagan ang imigranteng kababaihan na magsagawa ng kanilang propesyon sa bansa. Kasama ng iba pang mga Pilipina, sila ay lumaban ng husto para mapabuti ang mga pamumuhay ng mga tagapag-alaga at itaguyod ang kanilang karapatan na manatili sa Canada pagkatapos ng kanilang mga kontrata. Ang kanilang salawikain ay “Mahusay at sapat mag-alaga ng iyong sanggol, mahusay at sapat para manatili sa Canada”.

Ang mga kababaihan ng Pilipinas na pinili ang daan bilang tagapag-alaga ay nagpakita ng katapangan sa kanilang paglalakbay. Sila ay makabuluhang nag-ambag sa pagpatuloy ng paglago ng komunidad ng Pilipino sa Toronto, kabilang ang pagpadrino ng ibang mga miyembro ng pamilya. Pareho ang kahalagahan, sila ay nag-ambag sa kalusugan, katatagan, at pag-unlad ng maraming mga pamilya sa Toronto. Ang kanilang paghihirap sa trabaho, ang pagsisikap, ang pangako sa pamilya at pokus sa hinaharap ay nagbigay hugis sa lungsod na pinaninirahan natin ngayon.

Mga Mapagkukunan

Interviews with Melissa Gaytano and Carl Francis Diaz

Heritage Toronto is pleased to acknowledge the support of the Government of Ontario, through the Ministry of Tourism and Culture, for this project.

This entry was posted in Heritage Diversity Stories. Bookmark the permalink.