Isang Bagong Simulain: Pamanang Pilipino sa Toronto

[A New Beginning: Filipino Heritage in Toronto]

Isinulat ni Tyson Brown

Mga Pilipinong Nars sa Toronto. Koleksiyon ng MHSO/FIL-007

Maraming sa kanila ay dumating sa pamamagitan ng tren mula sa Estados Unidos (United States). Ang ilan ay nag-iisa, ang mga iba ay dumating kasama ang mga miyembro ng pamilya. Lahat sila ay kakaunti lamang ang kaalaman tungkol sa lungsod. Ito ay naglalarawan ng sitwasyon ng mga unang dumating na mga imigrante na Pilipino sa Toronto, isang pangkat ng mga kababaihan na nagtrabaho sa larangan ng pangangalagang pangkalusugan sa Estados Unidos at nagpasiyang pumunta sa Canada nang ang kanilang mga bisa sa pagtatrabaho sa Amerika ay lumipas na. Narinig nila ang tungkol sa isang lumalagong lungsod sa hilaga na  may maraming mga oportunidad sa kanilang piniling propesyon at kaya sila ay nagpasiyang subukan ito. Ito ay sa panahon ng 1960, isang panahon sa mabilis na pag-unlad para sa Toronto at maagang yugto sa paghugis ng kultura moseik na susulong sa madaling panahon. Sa kanilang unang pagdating, ang mga kababaihang Pilipino na ito ay maaaring nadama na sila ay mga dayuhan, ngunit sa madaling panahon sila ay magtatatag ng mga pundasyon para sa isang malaki at makulay na komunidad ng Pilipino sa Toronto.

Ang mga pangunahing pagbabago pampulitika sa Pilipinas, mga kaganapan pang-internasyonal at mga bagong patakaran ng imigrasyon para sa Canada, ang lahat ng ito ay nag-ambag sa isang pagnanais at pagpipilian para sa emigrasyon. Ang Pilipinas ay isang kapuluan ng mga isla na binubuo ng mahigit  na 81 mga lalawigan at 17 mga rehiyon na kumakatawan sa isang mayaman at magkakaibang mga wika at mga kulturang etniko. Noong ika-19 siglo, ito ay sinakmal ng mga pakiki-baka ng kapangyarihan pandaigdigan na nagmula sa imperyalismo ng mga taga Europa at Amerikano. Sa katapusan ng Digmaang Espanyol-Amerikano [Spanish-American War], ang Kasundaan sa Paris [Treaty of Paris] (1898) ay isinuko ang Pilipinas sa Estados Unidos at sa gayon nagsimula ang siglo ng kawalang-tatag ng pulitika at ekonomiya. Ang mga epekto ng dalawang Mga Digmaang Pandaigdigan [World Wars]. ang Digmaan sa Korea [Korean War], ang Digmaan sa Vietnam [Vietnam War], ang Cold War at kalaunan ang isang militar na pinagtagumpayan noong panahon ng 1980 ay lumikha ng mga kondisyon na tumulak sa maraming mga Pilipino na iwanan ang kanilang tinubuang-bayan. Sa isang pagkakataon, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nanghikayat ng emigrasyon. Ang wikang Ingles ay itinuro sa paaralan, ginamit sa mga kaganapan sa pamahalaan at sa kalakalan. Dahil sa mga kasanayan nitong wika, maraming mga Pilipino ay nakatanggap rin ng isang mataas na kalidad ngedukasyon at nagkaroon ng mahusay na kagamitan upang mabuhay at magtrabaho sa ibang bansa. Sa ganitong kapaligiran, ilan sa kanila ay lumipat sa Singapore, Hong Kong at Middle East, at pagkatapos pumunta sa Hilaga Amerika (North America).

Sa panahon ng 1960, ang isang malakas na pagkakatigil ng mga Amerikano sa Pilipinas at ang Programang Palitan ng Amerikano Pilipinas [American Philippines Exchange Program] ay nagbigay sa maraming kababaihang Pilipino na mga pagsasanay sa pagkadalubhasa sa industriya ng pangangalagang pangkalusugan upang makakuha ng mga bisa at makapagtrabaho sa US. Pagkatapos na lumipas ang kanilang unang pahintulot sa pagtatrabaho, ang ilan sa mga kababaihan ito ay ninais na manatili sa Hilaga Amerika (North America) at piniling lumipat sa Toronto kung saan ay maaari silang makapaghanap ng trabaho at makakuha ng katayuan bilang nakalapag na imigrante.

Bago ang pagdating ng mga manggagawa ng pangangalaga ng kalusugan sa Toronto, mahirap matukoy ang bilang ng mga Pilipino na naninirahan sa lungsod. Noon ang mga taong nanggaling sa Pilipinas ay opisyal na simpleng tinagurian bilang “Asyano”.  Habang nagsimula nang dumating ang mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan sa Toronto, gayun paman, ang mga pagbabago sa mga batas ng imigrasyon sa Canada ay nag-umpisa nang magbukas ngmga oportunidad para sa marami pang mga pandarayuhan na lampas ng Europa, at para sa mas marami pang darating sa Toronto na direktang manggagaling sa Pilipinas. Kinakailangan ng Canada ng mas malaking mga pangkat ng manggagawa, kabilang ang mga natatanging kahusayan  sa pangangalagang pangkalusugan.

Ang mga Pilipinong manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan ay nakahanap ng trabaho sa mabilis na lumalagong mga ospital sa Toronto. Kasama sa mga lugar ng trabaho, ang mga sentro ng pananampalataya ay mayroon malaking epekto sa paglago ng komunidad at tularan sa paninirahan nito. Ang Parkdale at St. James Town ay dalawang pangunahing mga halimbawa. Sa Parkdale, ang Simbahang Romano Katoliko ng Holy Family sa King Street West, silangan ng Jameson Street, ay itinayo noong 1902. Nang ang mga kababaihang Pilipino ay nakahanap ng trabaho sa St. Joseph Hospital malapit sa Roncesvalles Avenue, sinimulan nilang dumalo sa simbahan na ito at nanirahan sa lokal na kabayanan. Sa St. James Town, ang Simbahang Romano Katoliko ng Our Lady of Lourdes ay itinayo noong 1879 sa Sherbourne Street, timog lamang ng Bloor Street. Marami sa 19th siglo na mga bahay sa lugar ng simbahan ay ibinuwag sa panahong pagkatapos ng digmaan at pinalitan ng mga matataas na gusali ng apartment na ngayon tinutukoy na St. James Town. Dito, ang mga kababaihang Pilipino ay nakahanap ng trabaho sa Wellesley Hospital (na isinara at binuwag), pabahay sa mga bagong gusali ng apartment, at isang sentro ng pananampalataya sa Our Lady of Lourdes.

Prusisyon ng Santacrusan, “Reyna Elena at Prinsipe Konstantin”. Toronto, 1982. Koleksiyon ng MHSO/FI1-0014-P

Sa mismong St. James Town, ay nagbago ang isang kultural na sentro ng komunidad ng Pilipino sa Toronto. Dito, sa Our Lady of Lourdes, na isang pangkat ng kababaihang Pilipino ay nagsama-sama upang bumuo ang Pangkat ng mga Kristiyanong Pilipino na Manggagawa [Filipino Christian Workers Group]. Ginawa nila ito upang tumugon sa dumadaming mga Pilipino dumadating sa Toronto, marami sa kanila nangangailangan ng tulong sa pabahay, trabaho, pangangalaga sa araw, suporta para sa mga nakatatanda, at pagsasanay sa wika. Upang matugunan ang mga pangangailangang ito, ang pangkat ng Mga Kristyanong Manggagawa ay kalaunan naitatag ang Silayan Community Centre noong 1971 na ginawang korporasyon noong Hulyo 1979 bilang Silayan Filipino Community Centre, isang lugar na maglilingkod bilang sentro ng mga komunidad ng Pilipino sa ilang mga dekada.

Sa panahon ng 1980, ang mga paunahing pagbabago sa Pilipinas, lalo na ang deklarasyon ng batas na militar [martial law] sa pamamagitan ng militar, ay lumikha ng napakalaking emigrasyon mula sa rehiyon. Ang Pilipino Diaspora, kabilang ang komunidad sa Toronto, ay mahigpit nakatali sa mga kaganapang ito. Hindi karaniwan ang makahanap ng mga protesta laban sa mga kaganapan sa Pilipinas sa mga kalye ng Toronto.

Kasama sa kaguluhan sa kanilang tinubuang-bayan, ang mga Pilipino sa Toronto ay humarap sa mga sagabal sa kanilang bagong lipunan. Marami ay dumating sa Toronto na mahusay ang pinag-aralan at may dalubhasang pagsasanay, subalit ang kanilang pinag-aralan at pagsasanay na natamo mula sa Pilipinas ay hindi tinatanggap dito sa Canada. Hindi makatrabaho sa kanilang dalubhasang larangan, sila ay sapilitan tumatanggap ng iba, na madalas ay trabahong walang pagkadalubhasa, o tumanggap ng gastusin at pagkawala ng kita para sa pagbalik sa pag-aaral.

Flores De Mayo, Simbahan ng Holy Cross sa Cosburn Street, Toronto, 1985. Koleksiyon ng MHSO/FIL-0001

Mula sa panahon ng 1980, naging karaniwan sa ilang kabayanan ang makakita ng mga kababaihang Pilipino na nag-aalaga ng mga anak ng iba. Ang mga tagapag-alagang mga ito ay madalas inuupahan sa isang partikular na kontrata, na may mapagpipilianng manatili sa Canada sa paglipas ng kanilang kontrata. Sa kabila ng kanilang mahalagang ginagampanan sa pagtulong sa ilang mga pamilya at kanilang mga anak, maraming mga tagapag-alagang Pilipino ay nakaharap sa hindi mabuting mga kondisyon ng pagtatrabaho at mababang mga sahod. Ang kasaysayan na kung paanong isinulong ng mga tagapag-alang Pilipino angmga pagbabagong  pambatasan upang gawing ligtas at may seguridad ang kanilang mga karanasan at matiwasay ay naging pangunahing halimbawa sa kung paano ang mga bagong Torontonian ay nakatulong sa ating lungsod na maging isang makatarungan lugar para sa lahat.

Ngayon, ang komunidad ng Pilipino ay nalalapit na ang ika-limangpung taon ng presensya sa Toronto. Mula ng alon ng mga manggagawang taga-alagang pangkalusugan mula sa panahon ng 1960, para sa mga tao na ginawang sariling tahanan ang Toronto magmula pa noon, ang kasaysayan ng mga Torontonian na kaangkanang Pilipino ay isa sa mga pagsisigasig at determinasyon, at ang kahalagahan ng mga pamilya at pagbubuklod ng mga kultura. Sa mga iba, ang kanilang kasaysayan ay magkakasama-sama sa pagtatag ng sariling pagkakilanlan ng Toronto bilang isang sentro pang-internasyonal ng magkakaibang kultura ng pangalawang kalahati ng ika-20 na siglo.

Mga Mapagkukunan
Anita Beltra Chen, From Sunbelt to Snowbelt: Filipinos in Canada, (Canadian Ethnic Studies Association, 1998)
Rosalina Bustamente, ‘A Growing Community in Fast Growing City’ Polyphony: Toronto’s People, Vol. 6, (Multicultural History Society of Ontario, 1984), pg. 168-171.
Rosalina Bustamente, ‘Filipino Ethnic Newspapers in Metropolitan Toronto’, Polyphony: Press, Vol. 4, No. 1, (Spring/Summer, 1982), pg. 74-76.
Rosalina, Bustamente, ‘Filipino Women and Equality’, Polyphony: Women and Ethnicity, Vol. 8, No. 1, (Multicultural History Society of Ontario, 1986), pg. 77-79.
Robert Cusipeg, Portrait of Filipino Canadians in Ontario: 1960-1990, (Kalayan Media, 1993).
Phillip Kelly, ‘Filipinos in Canada: Economic Dimensions of Immigration and Settlement’, Retrieved from: http://www.ceris.metropolis.net/wp-content/uploads/pdf/research_publication/working_papers/wp48.pdf
www.multiculturalcanada.ca/Encyclopedia/A-Z/f1

Heritage Toronto is pleased to acknowledge the support of the Government of Ontario, through the Ministry of Tourism and Culture, for this project.

This entry was posted in Heritage Diversity Stories. Bookmark the permalink.