Bagong Abot-tanaw: The Silayan Community Centre

[New Horizon: The Silayan Community Centre]

Isinulat ni Ysabel Espina

Nang mga tao mula sa Pilipinas ay nagsimulang dumating sa Toronto noong panahon ng 1960, ilan sa kanila ay nahalina sa lugar ng St. James Town. Pinili nilang manirahan sa partikular na kabayanang ito dahil ang mga Pilipinong sangkot sa larangan ng medikal ay madaling nakakahanap ng trabaho sa malalapit ng mga ospital, kabilang ang Wellesley Hospital. Ang pook ay lugar rin ng maraming matataas na mga gusaling apartment, mga bagong itinayo ng panahon na iyon, na nag-aalok ng abot-kayang mga yunit. Karagdagan dito, medaling makakuha ng masasakyan, kabilang ang mga bus sa Sherbourne at ang malapit na Estasyon ng Sherbourne Subway, ay pinagdugtungan ang orihinal na paninirahan ng mga Pilipino sa St. James Town sa ibang bahagi ng Toronto.

Sa loob ng maikling panahon, ang St. James Town ay naging isang mahalagang lugar para sa lumalago na komunidad ng Pilipino para sa pagtugon at pakikipagtulungan sa isa’t isa. Ang mga palitan ay gumaganap sa groserya o habang nagkikita-kita ang isa’t isa sa kalye, at sa huli ang pagkakaibigan ay nabubuo. Hanggang sa punto nanagbabahaginan ng mga apartment, lalo na at maraming sa mga indibidwal na ito ay mga Pilipino na nag-iisa na nagtrabaho bilang mga nars at nahihirapan sa pagbubukod, kalungkutan at pangungulila sa bayan. Ang pakikipag-bahaginan ng isang apartment sa ibang indibidwal ay nakakatulong rin sa kanila upang makapag-ipon ng pera at madagdagan ang halaga ng pagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilyang nakatira pa rin sa Pilipinas. Ang St. James Town ay nagbigay ng lugar para sa pakikisalamuha na kinailangan ng unang pangkat ng mga Pilipino sa Toronto, isang lugar na nakakatulong sa pagpaginhawa sa ilang mga paghamon na hinaharap ng mga bagong salta sa isang bagong lungsod.

Ang isa pang mahalagang dahilan na nagdala sa mga Pilipino sa partikular na lugar na ito ay ang kalapitan ng Simbahang Romano Katoliko ng Our Lady of Lourdes sa Sherbourne Street. Karamihan sa kanila ay mga Katoliko na regular na dumadalo ng misa sa Pilipinas. Ang Our Lady of Lourdes ay naging kanilang bagong komunidad ng pananampalataya, at isang lugar kung saan maaari mapanatili nila ang kanilang nakaraan gawain sa pagtalima sa relihiyon. Ang Our Lady of Lourdes ay naglilingkod bilang tahanan ng isang samahan na itinatag noong 1969 ni Sister Mel Madamba, OMI na tinawag na Filipino Christian Workers (FCW). Ang pangkat na ito ay binubuo ng mga boluntaryo na naglaan ng kanilang mga oras upang lumikha ng isang matibay na pagkakaisa sa lumalagong komunidad ng Pilipino sa lugar. Nais rin nilang matulungan ang iba na gawin madali ang paglipat sa Toronto at ang pagsasaayos sa uri ng pamumuhay ng Canadian.

Silayan Community Centre

Ang Mga Manggagawa ng Kristiyanong Pilipino [Filipino Christian Workers] ay nakaharap sa isang mabilis na lumalagong komunidad na nangangailankaagad ng mga serbisyo sa paninirahan. Ang pagsisikap upang matugunan ang pangangailang ito, ang FCW ay napalitan ng isang organisasyon na hindi para pagkakitaan, hindi-pangkatin at hindi organisasyong pampulitika noong 1971 na tinawag na Silayan Community Centre, na may isang tiyak na mandato na tulungan ang mga bagong dating sa lungsod. Sa umpisa, ang Sentro ay nasa isang lugar na libre angupa sa Simbahan ng Our Lady of Lourdes, isang maginhawang lugar na malapit sa komunidad ng St. James Town.

Ang Silayan ay isang salitang Tagalog na nangangahulugang “isang bagong simulain” o “isang bagong araw”, at ang pangalang ito ay naangkop para sa libu-libong mga imigranteng Pilipino sa Canada na dumating upang maghanap ng mas mahusay na kinabukasan para sa kanilang mga pamilya. Ang Silayan Community Centre ay gumana upang mag-alok ng tulong at tulong sa mga bagong dating na kulang sa pakikipag-ugnayang panlipunan, at hindi pamilyar sa mga institusyon ng pamahalaan at mga serbisyong panlipunan.

Dahil hindi lahat ng mga Pilipino ay Katoliko, at dahil ang komunidad ay nakabahagi ng isang panahon ng salawahang politika sa Pilipinas, binigyang halaga na ang bagong organisasyong ito ay mananatiling walang kinikilingan na relihiyon o pulitika. Ang Silayan Community Centre ay lumipat sa mas malaking lugar sa Gerrard Street at noong Hulyo 1979 ay ginawang korporasyon bilang Silayan Filipino Community Centre upang maglingkod at magsilbi sa lumalaking kliyente at hindi humahadlang sa mga Pilipino na hindi Katoliko sa paghingi ng tulong mula sa Sentro.

Ang Silayan Filipino Community Centre ay naging pangunahing institusyon sa panahon ng dekada sa paghuhugis ng komunidad ng Pilipino sa Toronto. Ito ay nakatulong sa mga bagong dating na makahanap ng trabaho, maghanda sa kanilang ulat sa buwis ng sahod, at sa pag-unawa ng mga isyung legal. Pinangasiwaan at pinamahalaan rin nito ang pagpapalabas at pagpapanibago ng mga pasaporte sa harap ng Konsulado ng Pilipinas sa lungsod. Sa pagkilala na may pagtaas ng bilang ng mga bata at kabataan na darating sa Toronto sa pamamagitan ng pagpapadrino ng kanilang magulang, ang sentro ay nag-alok rin ng serbisyo sa panghihimasok ng krisis. Ang isang panlipunang tagapaglingkod (social worker) ay inupahan upang magsagawa ng mga sesyon ng pagpapayo para sa mga magulang at mga bata, upang makatulong sa pagsasaayos habang sila ay nagiging isang kumpletong yunit na pamilya muli pagkatapos ng mga taon na sila ay maghiwalay sa isa’t isa. Ang Sentro ay nagbibigay rin ng isang lugar para sa pag-alaalaga sa araw, mga gawain para sa mga kabataan, at mga serbisyo ng pagdadalo para sa mga nakatatanda.

Higit pa sa mga kontribusyon na ito, noong panahon ng 1990, ang Silayan Filipino Community Centre ay tagapanguna at pinadalian ang konstruksyon ng tatlong mga kooperatibang yunit na pabahay sa Pook ng Greater Toronto: ang Living Water Building sa Mississauga, ang Bayanihan Cooperative Homes sa Brampton, at ang Tahanan Cooperative Homes sa Toronto. Ang “Bayanihan” ay isang Tagalog na tradisyon kung saan ang mga tao ay tunay na tumutulong sa kanilang kapwa na mailipat ang kanilang kahoy na kubo sa isang bagong lugar sa pamamagitan ng pagbubuhat ng bahay sa kanilang balikat. Ito rin ay maaaring isang salita na nangangahulugan ng pagtulong at pagkilos tulad ng isang bayani, at ito ay napaka-makabuluhan dahil ang mga gusaling ito ay nagbibigay ginhawa para sa mga Pilipino upang magkaroon ng pabahay para sa kanilang sarili at kanilang mga anak. “Tahanan”, ang pangalan ng Toronto Co-op, ay isang salitang Tagalog na nangangahulugan ng bahay. Ang lahat ng tatlong binubuong pabahay ay nagbibigay ng pabahay para sa mga nasa lungsod na nakararanas ng kahirapan at hindi makakuha ng tamang tuluyan.

Pare-pareho ang kahalagahan, ang Silayan Filipino Community Centre, kasama ng iba pang mga sentro ng komunidad ng Pilipino at mga organisasyon, ay may kritikal na papel sa samahan ng mga kaganapang kultura at kasiyahan. Sa paggawa nito, ito ay nag-aalok ng maraming pagkakataon isadiwa ang kanilang pamana, hindi lamang bilang isang pagpapahayag ng kanilang mga pinanggalingan, kundi pati na rin sa isang pamamaraan upang turuan ang ikalawang angkan ng mga Pilipino na ipinanganak sa Toronto.

Mga Mapagkukunan
Silayan Community Center Brochure
Rosalina Bustamante, ‘A Growing Community in Fast Growing City’ Polyphony: Toronto’s People, Vol. 6, (Multicultural History Society of Ontario, 1984), pg. 168-171.
Robert Cusipeg, Portrait of Filipino Canadians in Ontario: 1960-1990, (Kalayan Media, 1993).
Art Valladolid, ‘Even Among Filipinos; Poverty in Toronto is not an Urban Legend’, Retrieved from: http://www.philippinereporter.com/2007/04/16/even-among-filipinos-poverty-in-toronto-is-not-an-urban-legend/
http://www.diversitywatch.ryerson.ca/backgrounds/filipino.htm

Heritage Toronto is pleased to acknowledge the support of the Government of Ontario, through the Ministry of Tourism and Culture, for this project.

This entry was posted in Heritage Diversity Stories. Bookmark the permalink.